Paalam
Nagsimula ang lahat sa paaralanna kung saan may programang palaruan
makikita sa mukha ng mga magaaral ang kasiglahan,
na sa bawat panalo'y may kasiyahan.
Sa paaralang iyon ika'y baguhan,
at ako'y nagpasyang bisitahin ang mga kaibigan;
sa una'y tayo'y walang pansinan,
nang huling araw na ay tayo'y nagkasunduan.
Lumipas pa ang mga araw tayo'y nagkalapit,
parang isang magnet na madaling napagdikit;
maaaring tulad din ng dalawang tiapay na pinitpit,
na madaliang napagdikit.
Sa madaling salita puso ko'y iyong nabihag,
parang isang pag-ibig na nakakapagpabagabag;
ninanais ng puso ay sarili'y sa iyo'y iambag,
kahit na ang kapalit ay pagiging isang bihag.
Ngunit sa kabila ng mabilis na pangyayaring ito,
bigla-bigla nalang puso mo'y naging bato
parang isang puno na dinaanan ng malupi na bagyo
na nag-iwan ng bakas ng pighati sa aking puso
Sa akin man ay mahirap itong tanggapin,
para sa aking ikabubuti aking pipilitin;
para sa iyo, salitang ito'y aking gagawin,
salitang "paalam" sa iyo'y aking sasabihin.
by: Claudine Gorospe
