Sunday, October 24, 2010

Panahon ng Taggipit.


Sabi ni Mamang, ito'y panahon ng taggipit, kaya't kailangan nating maging matatag. Walang silbi 
ang pagdaing, mainam ang magpasalamat sa anumang maaari pa nating matanggap. Dati dalawang itlog
ang kinakain ko sa almusal, Ngayon isa nalang at hindi pa araw-araw. Pero masaya ako dahil may itlog
pa akong nakakain. Kung dati'y ang timpla ko sa aking inumin na tsokolate ay talagang matsokolate, tatlong
naguumapaw na kutsara ng tsokolate ngayo'y isa nalang at hindi pa iyon araw-araw. Pero masaya ako dahil may tsokolate pa akong naiinom.

Kinakain ko ang mga itlog dahandahan at iniinom ang tsokolate na mas mabagal. Nakakapagtataka ang mga tsokolate at mga itlog ay napakainam nitong lumipas na mga araw, Sabi ni Papang ito'y panahon ng taggipit, Kaya't kailangan nating gamitin ang ulo. Ang ginto ay hindi basta-basta napupulot sa kalye. Kailangan nating hanapin ito. Natanggal sa trabaho si Papang, Kaya't nagtratrabaho nalang siya sa loob ng bahay, si Papang ang nag-aayos ng mga sirang gamit tulad ng pagkompuni ng pinto, upuan, aparador at iba pa, pati gamit ng aming kapitbahay ay kaniya itong kinukumpuni.

Pagkagaling sa trabaho ni Mamang, Ito'y minamasahe ni Papang at ako nama'y nagdadala ng isang malamig na baso at isang pakete ng biskwit para kanya itong kainin, kung dati-dati'y kami'y namamasyal sa mall ngayon sa bahay nalang kami, kahit ganun masaya parin kami, dahil may pinaglilibangan kami tulad ng pag-aawit, pagsasayaw, tugtugan at maging pagdradrawing.

Bertday ni Mamang ngayon, dahil panahon ng taggipit hindi kami nakabili ng panregalo para sa kanya, kaya't iginuhit ko siya na nakasuot ng isang mahabang gown na mala gintong dilaw ang kulay at may karonang sampaguita sa ulo. Tumugtog ng gitara si Manong at kinantahan si Mamang habang nakikipag sayaw kay Papang.

Kumatok si Tiya Garcia ang aming Kapit-Bahay na napaka-bait. Siya'y nagpasalamat kay Papang sa pagkompuni ng kanilang gamit. May mga bitbit din siya para sa amin isang "Cake" para kay Mamang, isang malaking pakete ng tsokolate at maniniwala ka ba? dalawang dosenang itlog.

Araw-araw ganoon na ang nangyayari. Sa bawat pagkompuni ng mga gamit ni Papang may kapalit na bumabalik araw-araw ganoon ang nangyayari. Natutuklasan ang mga kabutihan sa mga bahat na mayroon kami. Nagpapasalamat sa aming biyaya at nagbabahagi ng kabutihan sa kapwa.

Di nagtaggal lumipas nag panahon ng taggipit. Nakakita si papang ng trabahong mas maayos ang kita. Ngayon nagkokompone na siya ng mga gamit ng ibang tao sa sarili naming talyer.


By : Claudine Gorospe