Masaya ako kasi nanliligaw ka na sakin. Starting tomorrow, sabay na tayong papasok. Ayos ka ah. Nasa labas ka na agad ng bahay. "Let's Go, Baby?" sabi mo sa akin. "Tara" sabi ko. Sabay tayong pumapasok, nagmumukakang bakla pag ikaw may bitbit ng gamit ko, tuwing recess, niyayaya mo ako pumunta sa canteen. Kinikilig ako, naguumapaw happiness ko. 2 months na nating ginagawa to, balak ko nang sagutin ka bukas. habang pauwi, ang tamlay-tamlay mo, di kita makausap nang ayos. Wala ka sa wisyo, ngayon lang ito nangyari sayo, baka naman magkakasakit ka. Late at night, ayos ka naman magtext , ang sweet-sweet mo na ulit. Ayos na din tayo at excited na akong magbukas !! late 7:00 a.m. na, wala ka pa din. Di ka pa nagttext to inform me kung magsasabay tayo. Sorry baby, mauuna na ako, malalate na kasi ako kinabukasan, ganoon na naman ang nangyari pero ang pagkakaiba ngayon ay pamasok ka na, kinakausap kita pero di ka man lang kumikibo, gumuho yung plano kong sagutin ka. Napagod ka na ba suyuin ako? Napagod ka na ba mag-antay ng "OO" ko? Sumagot ka naman oh! Lately, may nadiscover ako, kaya pala di mo na ako sinusundo kasi may iba ka ng inaantay, hindi na rin tayo ang magkaharap sa canteen tuwing lunch, di mo na ako nilalambing kasi may iba ka na. Hindi mo na ako hinahatid kasi iba na ang pinupuntahan mo. Pinagmukha mo akong tanga, masaya kang inaantay yung GIRLFRIEND mo, habang ako nag-iisa at inaantay ka. Maling- mali ang nahulog ako sayo. Heto ako, Mahal na Mahal ka habang ikaw may kahawak ng kamay at sabay pang naglalakad. Para mo akong pinaglaruan, masaya pa tayo noon eh, ngayon, parang hindi tayo magkakilala kasi di mo man lang magawang kausapin ako. Sumagot ka nga! Titigil ako kung sasagot ka sa tanong ko! "Sino ba ako sayo?" ang sabi mo "Trip ko for almost two months, nagsawa ako kaya bumitaw ako, okay na?" Daig ko pa ang napahiya sa buong mundo. Mahal na Mahal kita pero ang sakit nang marinig ko kung ano ba ako sayo. "Im Helpless!!" trip lang pala ako.
By : Aurea Tolosa
