Sunday, October 24, 2010

Kaibigan lang ba?


Hanggang kailan ako mangangarap
Na ako ay iyong iibigin
Pagkat ako'y pagod na magpanggap
Na kontento lang sa simpleng tingin

Kaibigan lang ba ang iyon turing
Hindi ba maaring higit pa
Ano ang dapat kong gawin
Upang ako'y iyong maibigan rin

Hanggang kailan ako masasaktan
Sa pag-ibig na di inasahan
Ganito ba yuring kapalaran
Pighati tanging nararamdaman

Isang hapon tayo'y magkasama
"Ano nga ba ako para sayo"
tanong sayo ng isang kaibigan
"Sang kaibigan" yan ang sagot mo

Dulot sakin puso'y tangin sakit
Marahil nga'y hanggang dito nalang
Ang aking pag-ibig na di tiyak
masakit man pero paalam na.

By : Jervilyn Santiago