Sunday, October 24, 2010

Kumapit ka sana.


Tahimik ang paligid, puting-puti ang gilid 
Biglang may lumiwanag sa isang sulok ng gilid 
Ako bilang ako, nilapitan ko't minasid
Lumiwanag ang paligid, nakita ko ang iyong tindig

Hayun at may aninag, biglang nanlabo ang paningin
Anino ng tao, ngunit tila iba ang aking napansin
Dumilim ang buong paligid, at liwanag ay ipinako
Ngunit nakita ko ang kamay mo, inaantay ang kapit ko

Humawak ako ng kaunting kapit
Naramdaman ko ang init iyong kapit 
Ang kamay nat'y mahigpit na naglalapit
Na tila ito na ang huli mong kapit

Hindi nga ko nagkamali sa aking nagisip
Ang kamay mo'y tinuruan ng ng iyong isip
Na kailngan nang bimitiw sabay sa ihip 
Wala ng kamay ng kakapit, ikaw sana halip

Ang isip at puso ko'y tila umidlip
Nahulog ako at nagising hindi sa panaginip
Kundi sa katotohang nanggising sa aking pagidlip
Wala ng iba pang titingin, dilim na sa aki'y sumilip

Biglang may liwanag dito sa aking gabi
Muling inaantay ang kapit na higpit sabi
Ako'y nabigla, tumalikod at napakagat labi
Hindi na ako kakapit, alinlangan nalang ang nalalabi.

By: Aurea Tolosa