Wednesday, February 2, 2011


Sa buong apat na taong itinagal ko dito, hindi man ako dito nagsimula, pero dito naman ako magtatapos. Sabi nga nila, maliit ang paaralan, ngunit subukan nilang tignan, paaralang ito ay naguumapaw sa kaalaman. Hindi man ako sikat dito sa paaralang ito, kaming mga estudyante ang nagpapasikat dito. Gaano man kaliit ang mundo mo dito, ngiti, tuwa, lungkot, kaba, kilig naman ang isinusuli sa iyo. Sa buong taon, panay pagsubok ang sasalubong sayo. hindi pagsubok na magpapabagsak, magpapahina, magpapabigo at magpapasuko sa iyo kundi magpapatatag, magpapabangon, magpapatapang, magpapalakas at magpapabago sa iyong kahinaan. Minsan naisip kong lumipat na lang ng paaralan, naisip kong hindi ako nababagay dito. Pero mali ako, dito ko pala mararanasang matuwa, malungkot, umiyak, humalakhak, gumawa ng masama, tumino, magpakatanga, magbago at higit sa lahat ay ang magmahal at mahalin. Napakasarap na dito ako nanatili. At mahalin bilang isang anak sa tahanang ito. Naalala ko pa noon, bilugan ang katawan ko, batang-itsura, isip-bata ta mapaglaro. Daig ko pa ang turumpong paikot-ikot. Habang tumatagal, oras ay nadadagdagan, mas lalo akong natututong lumaban. Hindi man halata, panaho'y nagbabago, tao ri'y nagbabago. Sabi na, panaho'y lumilipas, nalalapit na rin ang aming pagtatapos. Kaya taas-noo kong sasabihing hindi kami uuwing nakayapak, nakatapos kami nang may dignidad, may sariling talino at katapangan na kakaiba sa lahat. Kaya naman, masaya akong naging parte ako ng tahanang ito, hindi ko naman mararating ang tagumpay na ito kung walang tulong ng mga gurong humubog sa amin. Taos-puso po namin kayong pinasasalamatan, ngayong malapit na po kaming lumisan, nais po naming turuan niyo pa po ang ibang mga kabataan na maging parte ng lipunan at hindi maging pasakit sa bayang ito. Sa aming pagtatapos, panahon lang ang natatapos at hindi ang aming pagkakaibigan. Lilisan kami upang magsimula ng panibagong kinabukasan. Hindi dito natatapos ang lahat ng ito, bagkus ito ay panibagong pagsubok na susubok sa katatagan ng bawat isa. Nais man naming pigilan ang ating patak ng luha,magpaalam sa isa't isa ngunit atin itong kinakailangan. Hindi na tayo hayskul pa, pero nais kong tayu-tayo pa rin ang magakakasama. :(


by: Aurea D. Tolosa