Kamusta na aking Irog? May katagalan na rin nang huli tayong magkausap. Dati-rati, nagkukulong ako sa aming panahan upang magtago. Magtago sa mga Amerikano. Takot akong maulit ang nangyari sa una kong pag-ibig, natatakot akong ikaw naman mawala. Ngunit pangamba ko’y hindi nararapat. Haay! Hindi ka nga naman akin upang pagingatan nang lubos. Nais ko nang kuni ang pagkakataong ito upang masabi ko sayo ang nararamdaman ko Irog ko. Nararamdamang mnatagal ko nang ikinubli, marahil natatakot akong malaman mo at nangangamba sa madiding reaksyon mo. Dahil sa bawat ngiti mo, nabubuo ang araw ko. Sa bawat tawag mo sa aking ngalan, naguumapaw na ang ligaya ko. Tiyak kong nahingi ko ang isang minuto sa araw mo. Masaya na ako doon. Napakalambing mo, kahit na bilang isang kaibigan lang, nararamdaman ko ang pagmamahal mo na hindi man katumbas ng pagmamahal na inaalay ko sa iyo. Kuntento na ako sa isang kumpas ng iyong kamay. Kaya hindi na nakakapagtakang daarating ang araw na mahal na kita. Mahal na kita higit pa sa isang kaibigan. Sige nga! Sabihin mong mali ako. Mali na nahulog sa iyo. Hindi na kasalanan pa ng puso ko na tumibok sa iyo. Irog ko, hindi ko hinihiling na dinggin mo ito. Ngunit hindi naalis sa aking isipan na sana ako nalang. Ngunit alam kong Malabo, sa isang sagl;it lang ay lalayo ka na sa akin. Ang sa akin, malaman mo bago pa dumating ang araw na magsisisi ako. Nagtataka ako kung bakit naisip kong magsisisi ako. Tanggap ko naming walang patutunguhan ang pagibig ko. Wala ng iba kundi hanggang dito, hanggang dito lang sa liham lang na ito. Sa oras na nalaman mo ito, oras na rin upang tuldukan ang kabaliwang ito. Sa aking panaginip, ikaw lang ang nakikita ko. Kahit na iba’t iba ang nagdaraang gabi. Ni isang minuto ay hindi ka nawaglit sa isipan ko. Ako ang nakaramdam nito kaya uwag mo sanang sabihing nalilito lang ako at may oras pa para magbago. Hayaan mong mahalin kita, Irog ko. Di ko nais namahalin mo rin ako. Sapat na ang pahalagahan mo kahit na matalik na kaibigan lang. sa pagdaan ng panahon ay matututunan kong tanggapin ang katotohanang gigising sa akin. Gayunpaman, narito pa rin ako, hindi ko kayang lumayo. Lumayo man ako ngunit hindi malayto sa iyo. Patawad sa kahibangang hinayaan kong mahalin kita. Maligaya na ako kung malaman mo ang totoo sa likod ng mga ngiti ko. Ngunit hindi malatyong mapagod ako. Tulad ng aking puso, pagod na rin ang aking pluma. Kung magkakaron ng ikalawang pagkakataon sumulat ako ng liham para sa iyo, nais kong maisulat na mahal mo rin ako. At hanggang dito nalang Irog ko. Nais kong pagingatan mo ang iyong sarili gaya ng palihim na pagiingat ko sa iyo.
by Aurea D. Tolosa
