Sunday, October 24, 2010

Entablado : Wagi , Tablado,


Isa sa pinakanakakatakot na lugar 
Na nakakapagpabagabag sa bawat isa 
Bawat tayo't tanghal sa harap ng entablado
Dama ang halong takot, tuwa, sigla at kaba

Sa bawat oras na itinatayo sa tanghalan
Tila walang humpay kabog na nararamdaman
Sa kilos, galaw at salitang binibitiwan
Mga matinik na hurado diyan huhusga yan

Pagtatanghal na binibigay sa harap ng madla
Maraming natuwa at marami ring nagalak
Sa sandaling minutong nakapagbigay sigla
Sa bawat taong nakilahol at nakisiya

Sa Siglang naramdaman, may lungkot ring naiwan
Hindi nga naman lahat ay napaghahandaan
Kaya naman may nakahihigit, may panalo at mayroon ring wagi
Sa buhay man, may bigo , sawi at may talunan

Pagtuntong sa entablado, di malilimutan
Tatatak sa isio hangga't mayroon pang hininga
Kada sigaw at hiyaw ng taong naparoon
Alam pa rin kahit lumipas na ang panahon

Ngunit sa taong bumulyaw pagkalabas pa lang
Tiyak pagkaraan ng buwan agad nalimutan
At ginawa man ng ikaiingay ng lahat
Siguradong sa kanila ay di rin natagal.


By : Aurea Tolosa