Iniirog ko, Sinisinta ko, Nag-iisa sa puso ko
Sigaw ng damdamin, tanging laman nitong puso
Hambog man kung ituring ka, isip mo nama'y matino na
Aking puso sayo lang umibig ng lubusan
Masaya kong makipagbalagtasan
kung ikaw lang din naman ang kasama
Kapag ikaw ang sa aki'y sumisinta
Kilig lang ang yaong nadarama
Alam ko, ako lang ang Irog mo
At alam mo ring ikaw lang ang Irog ko
Natutuwa ako at may halong sigla
Ang puso ko'y hinayaang sayo'y tumibok na
Maangang-maaga ngunit nahuli ka
Akala ko nag-iisa ka, ngunit may kasama pala
Kasama mo sa iyong likod na tila siya rin iyong iniirog
Di ko na nga naitago, sakit na naramdaman ko
Irog ko, sana ay nagkamali lang ako
Ako lang sana ang nagiisang irog mo
Pilit kong hahanapin dyan sa puso mo
Ang katotohanang magpapabago sa isip ko.
By: Heron Arciaga