Ikaw na kaibigan ko, sinaktan ang puso ko
Dating sugat dito agad na naghilom
Sayo ay naranasang magmahal muli
Nais ko lang naman ang umibig ka rin sakin
Nililihim ko nga ito para makaiwas sayo
Sa minamahal mo agad akong naalerto
Kinukulit ka nang iyong sabihin
Nalaman kong kaibigan ko pala ang mahal mo
Kirot dito, di na nakayanan ng puso ko
Agad pumatak tuluy-tuloy na luha ko
At kahit bibig ko nauutal na sayo
Hindi ko na kaya makita ang tulad mo
Nagkamali ako, di pala kayang magalit sayo
Hanggang salita lang ang poot na ito
Nasaktan lang ako, at nabigla ang puso ko
Pero hindi pa rin maitanggi kirot sa aking puso.
By: Heron Arciaga