Sunday, October 24, 2010

Ibalik ang Kulay.


Ako ngayon ay humawak ng lapis, sumulat sa papel
Pede bang pakibaba mo na ang iyong hawak na baril
Ilabas mo ang iyong konsensya kung ikaw pa ay meron
Magbigay ka ng bigyan ka din ng pagkakataon

Ibahagi kung tama talaga ang iyong hangarin
Pagtitiwala sa isa't-isa hindi sana hanginin
Manatiling magkakapit, mga kamay di magbitaw
Liwanag sa kadiliman, kailan ba ito lilitaw?

Subukang muli natin ibalik ang kulay
Dito sa mundo na wala nang buhay
Kailan ba matitigil ang kasakiman?
Kailan ba matatapos ang kasamaan? 


By: Heron Arciaga