Madungis, madumi ang bahay na tinitirhan mo
Makalat, magulo at tila binagyo ang tahanan mo
Na kahit ayusin mo wala pa ring pinagbago
Siya at wala ng iba pang makatutulong sayo
Pilitin at Pilitin mong baguhin
Gugulo at gugulo pa rin ang apat na sulok nito
Nais mo mang sarili mo ang mag-aayos nito
Di mo kaya kung wala tulong ng kaibigan mo
Tok! tok! tok! ingay dun sa pinto
Pagkakaupo mo'y panandaliang itigil
Pagbuksan ang taong tiyak kakailanganin mo
Pagbubuksan mo nga ba siya?
Sa labas ng pinto, binatang madungis ang nagaantay sayo
Sugatan ang paa at sunog ang balat
May mga kakaibang tinik sa kanyang ulo
At tila isang taon na ang itinagal sa kalyeng ito
Una , Ikalawa, Ikatlong subok na niya
Hiling lang niyang papasukin mo siya
Ngayon at nakita mong malinis na nga siya
Pinapasok at hinayaan mong tulungan ka niya
Hindi na madungis kahit marumi
Bahay mo ay tila bagong pintura muli
Linis na linis, wala ni tuldok ng dungis
Simula na ng paggising ng bago mong umaga.
By: Heron Arciaga
