Nang makilala ka ako'y natuwa
Kalungkutan ko'y iyong pinawala
Nakaraang sakit na nadadama
Bagong buhay iyong ipinadama
Ilang taon pa ang ating pinalipas
Na nagpatibay ng samahang matigas
Sa aking labi'y ngati'y bumabakas
Ikaw na nagbigay ng magandang bukas
Panaho'y dumating ako'y iniwan
Kasiyaha'y naging kalungkutan
Iyong mga pngako'y nawakasan
Ikaw na sanhi ng matang luhaan
Mga nakaraan dapat ng waksan
Isang relasyong walang patutunguhan
Isang pag-ibig na wala ng kadahilanan
Kadahilanang ipagpatuloy ng lubusan
Bigo man ako'y pilit na bumabangon
Bumabangon para sa bagong buhay
Panibagong buhay na aking tatahakin
Sa panibagong buhay na walang ikaw
Ikaw na nagpadama ng kalungkutan
Ikaw na naghatid ng aking kabiguan
Ikaw na nagpabatid ng pusong sugatan
Ikaw , Ikaw , Ikaw
By : Claudine Gorospe