Sunday, October 24, 2010

Musmos.


Sakit ng mawalan ng magulang, musmos pa lang ay naulila
Sino ang gagabay sa pagtulak ng kartilya?
Madalas siyang nilalait, tawag batang basurero
Kinukutya siya ng dugong bughaw na iridero

Palagi siya ang talo kahit siya ang tama
Ang buhay ng mga katulad niya ay dapat i-tama
Pagbubuksan mo ba, pag kumatok sa tahanan
Palaging tanong sa sarili kung may kinabukasan

Bigyan ng oras at panahon upang matuto
Dalangin ko ay marinig ako ng mga tao
Upang tayo ay mamulat sa bulag na katotohanan
Maging masaya sila, 'wag alisin sa kapalaran. 

By: Dale Villanueva