Hindi mawaglit sa aking murang isipan
Nang ako'y unang umibig nang lubusan
Sa aking puso'y waring may naguutos
Na puso ko'y hayaan lang tumibok
Naaalala pa ng ika'y makilala
Puso ko'y naguumapaw sa saya
Hindi maisip ang naranasang tuwa
Animo'y nilipad ako ng pagmamahal mo
Ngunit nararamdaman madali ring naglaho
Dahil sa sakit na dinanas sa piling mo
At Hinayaang mapaikot mo ako
At paasahin na mamahalin mo rin ako
Matagal na ang lumipas
Ngunit hindi pa tuluyang naghilom ang sugat
Ngunit patuloy pa rin akong naghahanap
Ng taong nais lang ay manatili na sa puso ko
Ayoko nang balikan lason sa isipan
Muli nanamang paasahin at sasaktan
Hindi na muling magmamahal ng maling tao sa buhay
Itatago na lang aking nararamdaman