Sunday, October 24, 2010

Ikaw.


Ikaw ang taong sakin nagpapasaya
Dahilan kaya may ngiti saking labi
Na walang sino man ang nakakagawa
Ikaw na iniisip ko tuwing gabi

Ikaw na siyang aking pinapangarap
Pero di ako ang kinakailangan
Pagkat ikaw ay may hinahanap 
Kahit ako'y nasa harap lamang

Ikaw lamang ang nais makasama
Kahit na iba ang iyong ninanais
Miski na sakit lamang ang nadadama
Pagkat dito sa puso di ka maalis

Ikaw lang ang sakin nagpapaiyak
Sa tuwing ika'y aking naiisip
Pagkat isa lamang ang sa akin tiyak
Ikaw lang nasa isip pati panaginip

Ito'y paghanga lang ba o pag-ibig na
Sapagkat ngayon puso'y litong-lito
Di malaman itong aking nadama 
Paano nga ba ako naging ganito

Ng una ika'y isang kaibigan
Ngunit mundo'y tila nag-iiba na nga
Damdamin ay nagbago di inasahan
Ng dahil sayo ako'y tila ba'y tanga

Siguro nga aking dapat ng tanggapin
Ikaw ay sa akin ay wala ngang gusto
At kahit ako ay di mo pinapansin
Mayroon parin ikaw sa pusong ito.

By: Jervilyn Santiago