Ng kayo ay aking makilala
Masayang bagay ay iyong dala
Ligaya lang ang aking napala
Sa tuwing tayo ay mag-gagala
Tatlong taong tayo'y magkasama
Meron mabuti, meron masama
At kung minsan walang magawa
Nandiyan sila para magpasaya
Ngayon nalalabing pagsasama
Ating punuin iyon ng tawa
Mga mali ating itama
Tayo'y mag-iwan ng ala-ala
Sa ating pagkahi-hiwalay
Sana walang mabuong away
manatili ang ligaya taglay
Pagkat doon buhay nagkakulay
Maraming taon man lumipas
Parang isang hangin pumagaspas
Pagkakaibigan ay walang kupas
Ating samahan tunay na wagas.
By : Jervilyn Santiago