Nagsimula sa pakurot-kurot sa tagiliran. Pakindat-kindat ng mapupungay na mga mata, mga sulatang walang humpay na sumpaang walang hihiwalay hanggang sa huli ay tayo pa rin. Hindi magtatagal , papayag si babae sa inalok ni lalaki. Nagharap na nga sa dambana at pagkatalikod dito ay gad bumalik ang nakaraan, hindi na pakurot-kurot sa tagiliran kung hindi ay pahampas-hampas na. Hindi na rin pakindat-kindat ngunit tinginan ng mga nanlilisik na mga mata. Lagpas taong listahan ng utang. At walang humpay na kwentahan ng gastos sa bahay. Ganyan ang buhay may kasal. Ngunit hahayaan ko bang ang kasal ay maging KASALanan?
"Here Come the Bride, six months inside." Kung minsa'y pagkakasala lang ang dahilan ng pagtatali ng lalaki at babae. Maraming uri ng kasal- kasal lang sa papel, kasal lang sa isip, kasal lang sa pangalan. Sa buhay may-asawa, hindi maiiwasan ang lumihis ng landas si mister, sabi nila ay "pampalipas oras" lang. Sa bawat segundo, minuto, oras na nilalaan ng asawa sa pampalipas oras ay doble pa sa segundo, minuto, oras, araw,buwan at taon ang sakit at bigat na nararamdaman ng pinagtataksilan. Madaling magpatawad ngunit mahirap makalimot sa bawat pagkakamali ng kabiyak ay may naaapektuhan. Kayo nga ay pinag-isa ng simbahan ngunit hindi ibig sabihin ay ito rin ang makapag-hihiwalay. Wala ng ikalawa pang pagkakataon. Hindi trial an error ang pag-aasawa, seryosong bagay ito at huling yugto ng buhay mo.
Nag-umpisa sa pa akbay-akbay, porma-porma, bigay-bigay ng bulaklak, palitan ng mga matatamis na salita, hanggang sa magkayayaang magpakasal. Ang relasyon ng maaaring sirain, kalasin, ngunit ang kasal ay hindi, permanente na ang yugtong ito hanggang sa huling tuldok ng iyong puso.
By: Aurea Tolosa