Wednesday, October 27, 2010

Paalam


Paalam

Nagsimula ang lahat sa paaralan
na kung saan may programang palaruan
makikita sa mukha ng mga magaaral ang kasiglahan,
na sa bawat panalo'y may kasiyahan.

Sa paaralang iyon ika'y baguhan,
at ako'y nagpasyang bisitahin ang mga kaibigan;
sa una'y tayo'y walang pansinan,
nang huling araw na ay tayo'y nagkasunduan.


Lumipas pa ang mga araw tayo'y nagkalapit,
parang isang magnet na madaling napagdikit;
maaaring tulad din ng dalawang tiapay na pinitpit,
na madaliang napagdikit.


Sa madaling salita puso ko'y iyong nabihag,
parang isang pag-ibig na nakakapagpabagabag;
ninanais ng puso ay sarili'y sa iyo'y iambag,
kahit na ang kapalit ay pagiging isang bihag.


Ngunit sa kabila ng mabilis na pangyayaring ito,
bigla-bigla nalang puso mo'y naging bato
parang isang puno na dinaanan ng malupi na bagyo
na nag-iwan ng bakas ng pighati sa aking puso

Sa akin man ay mahirap itong tanggapin,
para sa aking ikabubuti aking pipilitin;
para sa iyo, salitang ito'y aking gagawin,
salitang "paalam" sa iyo'y aking sasabihin.


by: Claudine Gorospe

Sunday, October 24, 2010

Tuldok ( • )





Sa paaralan higit itong kailangan
Sa tuldok, wala ng salitang lalagpas
Di na nga mabilang ang tuldok kung ilan
Dami ng gamit, daig ko pa hinampas

At sa pag-ibig mayron din namang tuldok
Sa bawat away, relasyo'y natatapos
Pagmamahal nauuwi din sa tuldok
Presensya ng pag-ibig ay kinapos

Sa buhay nama'y mayroon ding natatapos
Mayroon ding hangganan bawat pagsubok
Ang buhay ma'y parang opyong nauupos
Sa malarong tadhana'y agad susubok.

By: Aurea Tolosa

Siya ay Siya.



Madungis, madumi ang bahay na tinitirhan mo
Makalat, magulo at tila binagyo ang tahanan mo
Na kahit ayusin mo wala pa ring pinagbago
Siya at wala ng iba pang makatutulong sayo

Pilitin at Pilitin mong baguhin 
Gugulo at gugulo pa rin ang apat na sulok nito
Nais mo mang sarili mo ang mag-aayos nito
Di mo kaya kung wala tulong ng kaibigan mo

Tok! tok! tok! ingay dun sa pinto
Pagkakaupo mo'y panandaliang itigil
Pagbuksan ang taong tiyak kakailanganin mo
Pagbubuksan mo nga ba siya?

Sa labas ng pinto, binatang madungis ang nagaantay sayo
Sugatan ang paa at sunog ang balat
May mga kakaibang tinik sa kanyang ulo
At tila isang taon na ang itinagal sa kalyeng ito

Una , Ikalawa, Ikatlong subok na niya
Hiling lang niyang papasukin mo siya
Ngayon at nakita mong malinis na nga siya
Pinapasok at hinayaan mong tulungan ka niya

Hindi na madungis kahit marumi
Bahay mo ay tila bagong pintura muli
Linis na linis, wala ni tuldok ng dungis
Simula na ng paggising ng bago mong umaga.

By: Heron Arciaga

"Sino ba ako sayo?"



Masaya ako kasi nanliligaw ka na sakin. Starting tomorrow, sabay na  tayong papasok. Ayos ka ah. Nasa labas ka na agad ng bahay. "Let's Go, Baby?" sabi mo sa akin. "Tara" sabi ko. Sabay tayong pumapasok, nagmumukakang bakla pag ikaw may bitbit ng gamit ko, tuwing recess, niyayaya mo ako pumunta sa canteen. Kinikilig ako, naguumapaw happiness ko. 2 months na nating ginagawa to, balak ko nang sagutin ka bukas. habang pauwi, ang tamlay-tamlay mo, di kita makausap nang ayos. Wala ka sa wisyo, ngayon lang ito nangyari sayo, baka naman magkakasakit ka. Late at night, ayos ka naman magtext , ang sweet-sweet mo na ulit. Ayos na din tayo at excited na akong magbukas !! late 7:00 a.m. na, wala ka pa din. Di ka pa nagttext to inform me kung magsasabay tayo. Sorry baby, mauuna na ako, malalate na kasi ako kinabukasan, ganoon na naman ang nangyari pero ang pagkakaiba ngayon ay pamasok ka na, kinakausap kita pero di ka man lang kumikibo, gumuho yung plano kong sagutin ka. Napagod ka na ba suyuin ako? Napagod ka na ba mag-antay ng "OO" ko? Sumagot ka naman oh! Lately, may nadiscover ako, kaya pala di mo na ako sinusundo kasi may iba ka ng inaantay, hindi na rin tayo ang magkaharap sa canteen tuwing lunch, di mo na ako nilalambing kasi may iba ka na. Hindi mo na ako hinahatid kasi iba na ang pinupuntahan mo. Pinagmukha mo akong tanga, masaya kang inaantay yung GIRLFRIEND mo, habang ako nag-iisa at inaantay ka. Maling- mali ang nahulog ako sayo. Heto ako, Mahal na Mahal ka habang ikaw may kahawak ng kamay at sabay pang naglalakad. Para mo akong pinaglaruan, masaya pa tayo noon eh, ngayon, parang hindi tayo magkakilala kasi di mo man lang magawang kausapin ako. Sumagot ka nga! Titigil ako kung sasagot ka sa tanong ko! "Sino ba ako sayo?" ang sabi mo "Trip ko for almost two months, nagsawa ako kaya bumitaw ako, okay na?" Daig ko pa ang napahiya sa buong mundo. Mahal na Mahal kita pero ang sakit nang marinig ko kung ano ba ako sayo. "Im Helpless!!" trip lang pala ako.



By : Aurea Tolosa

Sikreto.


Una kang nasilayan
Puso ko'y naantig
Wala pang isang minuto
Nang ako'y iyong mapaibig

Naglalaro sa aking isipan
Mga letra ng iyong pangalan
Ngayon na iyong nalaman
Tinatago kong nararamdaman

Damdaming nagtatago
Pusong nagbabago
Isipang nalilito
Pag-aanta'y nakakabato

Sa mga sulat na lang ipararating
Mga salitang nais sayo'y sabihin
Pero huwag mo na lang malaman
Tunay kong nararamdaman.

By: Heron Arciaga

Panahon ng Taggipit.


Sabi ni Mamang, ito'y panahon ng taggipit, kaya't kailangan nating maging matatag. Walang silbi 
ang pagdaing, mainam ang magpasalamat sa anumang maaari pa nating matanggap. Dati dalawang itlog
ang kinakain ko sa almusal, Ngayon isa nalang at hindi pa araw-araw. Pero masaya ako dahil may itlog
pa akong nakakain. Kung dati'y ang timpla ko sa aking inumin na tsokolate ay talagang matsokolate, tatlong
naguumapaw na kutsara ng tsokolate ngayo'y isa nalang at hindi pa iyon araw-araw. Pero masaya ako dahil may tsokolate pa akong naiinom.

Kinakain ko ang mga itlog dahandahan at iniinom ang tsokolate na mas mabagal. Nakakapagtataka ang mga tsokolate at mga itlog ay napakainam nitong lumipas na mga araw, Sabi ni Papang ito'y panahon ng taggipit, Kaya't kailangan nating gamitin ang ulo. Ang ginto ay hindi basta-basta napupulot sa kalye. Kailangan nating hanapin ito. Natanggal sa trabaho si Papang, Kaya't nagtratrabaho nalang siya sa loob ng bahay, si Papang ang nag-aayos ng mga sirang gamit tulad ng pagkompuni ng pinto, upuan, aparador at iba pa, pati gamit ng aming kapitbahay ay kaniya itong kinukumpuni.

Pagkagaling sa trabaho ni Mamang, Ito'y minamasahe ni Papang at ako nama'y nagdadala ng isang malamig na baso at isang pakete ng biskwit para kanya itong kainin, kung dati-dati'y kami'y namamasyal sa mall ngayon sa bahay nalang kami, kahit ganun masaya parin kami, dahil may pinaglilibangan kami tulad ng pag-aawit, pagsasayaw, tugtugan at maging pagdradrawing.

Bertday ni Mamang ngayon, dahil panahon ng taggipit hindi kami nakabili ng panregalo para sa kanya, kaya't iginuhit ko siya na nakasuot ng isang mahabang gown na mala gintong dilaw ang kulay at may karonang sampaguita sa ulo. Tumugtog ng gitara si Manong at kinantahan si Mamang habang nakikipag sayaw kay Papang.

Kumatok si Tiya Garcia ang aming Kapit-Bahay na napaka-bait. Siya'y nagpasalamat kay Papang sa pagkompuni ng kanilang gamit. May mga bitbit din siya para sa amin isang "Cake" para kay Mamang, isang malaking pakete ng tsokolate at maniniwala ka ba? dalawang dosenang itlog.

Araw-araw ganoon na ang nangyayari. Sa bawat pagkompuni ng mga gamit ni Papang may kapalit na bumabalik araw-araw ganoon ang nangyayari. Natutuklasan ang mga kabutihan sa mga bahat na mayroon kami. Nagpapasalamat sa aming biyaya at nagbabahagi ng kabutihan sa kapwa.

Di nagtaggal lumipas nag panahon ng taggipit. Nakakita si papang ng trabahong mas maayos ang kita. Ngayon nagkokompone na siya ng mga gamit ng ibang tao sa sarili naming talyer.


By : Claudine Gorospe