Sunday, October 24, 2010

Panahon ng Taggipit.


Sabi ni Mamang, ito'y panahon ng taggipit, kaya't kailangan nating maging matatag. Walang silbi 
ang pagdaing, mainam ang magpasalamat sa anumang maaari pa nating matanggap. Dati dalawang itlog
ang kinakain ko sa almusal, Ngayon isa nalang at hindi pa araw-araw. Pero masaya ako dahil may itlog
pa akong nakakain. Kung dati'y ang timpla ko sa aking inumin na tsokolate ay talagang matsokolate, tatlong
naguumapaw na kutsara ng tsokolate ngayo'y isa nalang at hindi pa iyon araw-araw. Pero masaya ako dahil may tsokolate pa akong naiinom.

Kinakain ko ang mga itlog dahandahan at iniinom ang tsokolate na mas mabagal. Nakakapagtataka ang mga tsokolate at mga itlog ay napakainam nitong lumipas na mga araw, Sabi ni Papang ito'y panahon ng taggipit, Kaya't kailangan nating gamitin ang ulo. Ang ginto ay hindi basta-basta napupulot sa kalye. Kailangan nating hanapin ito. Natanggal sa trabaho si Papang, Kaya't nagtratrabaho nalang siya sa loob ng bahay, si Papang ang nag-aayos ng mga sirang gamit tulad ng pagkompuni ng pinto, upuan, aparador at iba pa, pati gamit ng aming kapitbahay ay kaniya itong kinukumpuni.

Pagkagaling sa trabaho ni Mamang, Ito'y minamasahe ni Papang at ako nama'y nagdadala ng isang malamig na baso at isang pakete ng biskwit para kanya itong kainin, kung dati-dati'y kami'y namamasyal sa mall ngayon sa bahay nalang kami, kahit ganun masaya parin kami, dahil may pinaglilibangan kami tulad ng pag-aawit, pagsasayaw, tugtugan at maging pagdradrawing.

Bertday ni Mamang ngayon, dahil panahon ng taggipit hindi kami nakabili ng panregalo para sa kanya, kaya't iginuhit ko siya na nakasuot ng isang mahabang gown na mala gintong dilaw ang kulay at may karonang sampaguita sa ulo. Tumugtog ng gitara si Manong at kinantahan si Mamang habang nakikipag sayaw kay Papang.

Kumatok si Tiya Garcia ang aming Kapit-Bahay na napaka-bait. Siya'y nagpasalamat kay Papang sa pagkompuni ng kanilang gamit. May mga bitbit din siya para sa amin isang "Cake" para kay Mamang, isang malaking pakete ng tsokolate at maniniwala ka ba? dalawang dosenang itlog.

Araw-araw ganoon na ang nangyayari. Sa bawat pagkompuni ng mga gamit ni Papang may kapalit na bumabalik araw-araw ganoon ang nangyayari. Natutuklasan ang mga kabutihan sa mga bahat na mayroon kami. Nagpapasalamat sa aming biyaya at nagbabahagi ng kabutihan sa kapwa.

Di nagtaggal lumipas nag panahon ng taggipit. Nakakita si papang ng trabahong mas maayos ang kita. Ngayon nagkokompone na siya ng mga gamit ng ibang tao sa sarili naming talyer.


By : Claudine Gorospe


Paglalakbay.


Sinilaw ng araw ang aking mga mata
Ginising ng malamig na hangin
Ang natutulog kong diwa
Isa na namang umagang
Magtuturong oras ay mahalaga

Dito sa mundong ibabaw
Ingay ng paligid ang sasambulat
Saglit lang nakabibingi ng katahimikan
Dalawang daan ang pinagpipilian
Hindi ko malaman kung san dadaan

Sanay na ako sa matuwid na kahahantungan
Ligaya lang ang iyong mararamdaman
Walng ingay, problemang kakalaban
Magliwaliw ka, oras ay sayo lamang
Liliko ako para maranasan ang tunay na paglalakbay

Unang hakbang, panay alingawngaw
Hindi gaya ng isdang may kilabot
Mabilis pa sa lkad, kabog ng aking puso
Saglit nalang makakabalik na sa pinanggalingan
Nakaranas ako ng paglalakbay nakakaiba sa lahat.


By: Aurea Tolosa


Nagbago Kana ! :(


Sa umaga, pagpasok pa lang, boses at sigaw mo ang gumigisng sa akin, ikaw ang alarm clock ko, ikaw ang nanay ko, ikaw ang nagbibigay ng baon sakin, ikaw ang kumukumpleto sa araw ko. Pero ngayon, wala ka, nagbago kana, hindi mo na ako ginigising kasi ikaw na ginigising ko, hindi mo na din ako pinapasaya kasi ang tahitahimik mo na, Paano pa kaya tayo magkakasundo? Wala ng sense of humor sa buhay ko. Sa school, Pataasan tayo kapag may exam, ngayon palaging ako ang panalo kasi zero ka na, ano bang nangyayari sayo? o? Dati hindi pwedeng hindi ka magrereview,ako ang buhay mo at ikaw din ang bestfriend ko kapag sinasabi ko ngang "bestfriend ko" balik mo sakin "were just friends" Dati nga ayaw mong umabsent , ngayon ako nalang magisa at natututo na din akong magcutting classes kasi wala kana T.T Magisa na lang ako sa canteen, kapag may duo, monolog ang ginagawa ko kasi wala ka na, Bakit? May Bestfriend ka na bang iba? Pinagpalit mo na ba ko? Hindi na ba ako ang ideal bestfriend mo? Sabi mo may crush ka at prang mahal mo na, Sino ba yun? Di mo pa nasasabi sakin kasi nagbago ka na, wala ka na sa bihay ko. Hindi mo na ko sinasamahan at kahit tawag mo sa aking pangalan, wala na. Anim na araw ka ng wala, anim na gabing may kuliglig kapag matutulog na ako. Naisip kong puntahan ka, nakita ko wala ka na. Tulog na tulog ka at napakahimbing ng pwesto mo, kaya pala nagbago ka na kasi wala ka na. Sabi depression daw, ako daw ang dahilan. Mahal mo na pala ako, hindi mo man sinabi. Sana ngayon, masaya na tayo, mahal din kasi kita eh, Pero huli na ang lahat, wala ka na. Ililipat ka na kung san ka masaya. Dapat sinabi mo, Mahal na Mahal Kita ! sana nalaman mo :( Sana hindi ka nawala.

By: Aurea Tolosa

Musmos.


Sakit ng mawalan ng magulang, musmos pa lang ay naulila
Sino ang gagabay sa pagtulak ng kartilya?
Madalas siyang nilalait, tawag batang basurero
Kinukutya siya ng dugong bughaw na iridero

Palagi siya ang talo kahit siya ang tama
Ang buhay ng mga katulad niya ay dapat i-tama
Pagbubuksan mo ba, pag kumatok sa tahanan
Palaging tanong sa sarili kung may kinabukasan

Bigyan ng oras at panahon upang matuto
Dalangin ko ay marinig ako ng mga tao
Upang tayo ay mamulat sa bulag na katotohanan
Maging masaya sila, 'wag alisin sa kapalaran. 

By: Dale Villanueva

Mahal Ko.


"Mahal ko," kahit sa una ay biro lamang
Sarili ko'y di ko na namalayang nahulog na lamang 
Ngunit pangamba ko'y di na lumamang 
Na salitang tamis mo ako'y namangmang

"Kaibigan" ang tawag ko, "Mahal ko" ang ibig ko
Nais ko nang sabihin sayo, tila dila ko'y napapako
Sawang-sawa na sa pagiintay ang puso ko
Na tila gusto ko nang ibaling nararamdaman ko

Ngunit nandito pa rin ako at iyong-iyo
Kahit nasasaktan pag nakikita ko kayo
Martir nalang at nagbabalat-kayo
Dahil ayoko nang magpahuli sayo

Heto ako at hamak na kaibigan mo
Labis na nasaktan nang madanig ang saki'y turing mo
Ngunit nag-iintay pa rin ako mula sayo ng "te amo"
Baka sakaling pag-ibig mo'y matamo

Sabi nila ako at nagpapakabato
Kahit marami namang sa aki'y sumasanto
Mahal ko, huling hintay ko na ang yugtong ito
Dahil pagtatapos nati'y napipinto.


By: Aurea Tolosa