Tuesday, December 21, 2010

May Pagbabago, kahit na Weirdo



Nang dahil sa pagnanais ni P-noy na pagliliwali sa daigdig ay nakarating siya sa znew York. Napdpad siya sa Mansion El Seniorita Eduardo. Maraming tao, maingay dahil sahindi maintindihang halu-halong wika. Pagkaraan ng minuto ay nakita niya si Ampatuan, nakaramdam siya ng takot, ang tuhod niya ay agad nanginig.
“Nagpunta ako dito para pakinggan ang sermon ni Reina Angelica ukol sa Global Warming at hindi makipagkaibigan sa Ampatuan na yan!” sabi sa sarili sabay layo sa kinaroroonan ni Ampatuan.
Hindi niya sinasadyang mabunggo si Don Derek na lehitimong resident eng New York. Ngunit ng magsalita ay…
“ @!#)*$&%^$+-|=@”
Nagulat siya sa narinig. Akala niya tuloy ay nababaliw na siya. Pagkatapos ay nagsimula na ang diskusyon ng Reina.
“I believe hat Global Warming is caused of being imperfect of the people. It changes you and your society. So, you better change.”
Naalerto siya sa naring, inisip na lamang niya na tama ang grammar nito.
”Ay! May mga tao pang naghihintay sa akin sa Pinas.” Sabi sa sarili.
Habang hawak ang ulo na may iilang buhik na lamang marahil sa pagiisip.
“Hmmmm… Aha!” sigaw sa sarili at may bumbilyang lumitaw sa ulunan niya.
“Nakaisip g papaano ko mapapalitan ng kayamanan ang hirap na dinaranas ng nasasakupan ko.” Sabi sa sarili.

Habang nasa “Ner York Airline” siya ay…
“Pilipinas! Pilipinas! Pilipinas! Pilipinas!” sigaw ng konduktor ng eroplano na may hawak pang tiket.
“Aba teka! Bago na pala ang pagbibiyahe sa himpapawid ngayong taong ito?” bulong sa sarili na bakas ang pagtataka.
“Ayy! Si kapitana Tani ang magmamaneho. Tara na nga’t makasakay na!”
“Pakiayos nap o ang seatbelt. Kapitana Tani, everybody is ok. Let’s go on a trip.” Sabi ng konduktor.
Naupo siya sa unahan, ang nagiisang baknteng upuan. Nakita niya si Willie Revillame, nagsusuka!
“Boah! Boah! Nahihilo na ako. Wala pa man din akong plastic.” Daing sa sarili.
“Kapitana Tani, diyan lang po sa may Nayon ng Sagpangi Bulacan.”sabi nito.
“Ok. The plane is landing over there.” sigaw ni Kapitana Tani
Ngunit hindi pa rin bumaba si P-Noy dahil inaantay niyang mag-landing ito sa PAL. Nang makalapag ito ay…
“Revolucion! Revolucion! Revolucion!” sigaw ng mga trabahador sa bukid.
“Heto pla ang sasalubong sa akin. Pati ang mga ita sa Zambales ay nagrerebelde na rin sa akin. Problema nanaman ito.” Ang daing sa sarili.
Hindi naglaon ay nagsagawa si P-Noy ng batas para sa mga taong nagrerebelde. Dahil napagisip-isip niyang kawawa naman ang JUAN ng kanyang bayan.

By Aurea D. Tolosa

Sunday, December 19, 2010

♥Love Letter♥


Kamusta na aking Irog? May katagalan na rin nang huli tayong magkausap. Dati-rati, nagkukulong ako sa aming panahan upang magtago. Magtago sa mga Amerikano. Takot akong maulit ang nangyari sa una kong pag-ibig, natatakot akong ikaw naman mawala. Ngunit pangamba ko’y hindi nararapat. Haay! Hindi ka nga naman akin upang pagingatan nang lubos. Nais ko nang kuni ang pagkakataong ito upang masabi ko sayo ang nararamdaman ko Irog ko. Nararamdamang mnatagal ko nang ikinubli, marahil natatakot akong malaman mo at nangangamba sa madiding reaksyon mo. Dahil sa bawat ngiti mo, nabubuo ang araw ko. Sa bawat tawag mo sa aking ngalan, naguumapaw na ang ligaya ko. Tiyak kong nahingi ko ang isang minuto sa araw mo. Masaya na ako doon. Napakalambing mo, kahit na bilang isang kaibigan lang, nararamdaman ko ang pagmamahal mo na hindi man katumbas ng pagmamahal na inaalay ko sa iyo. Kuntento na ako sa isang kumpas ng iyong kamay. Kaya hindi na nakakapagtakang daarating ang araw na mahal na kita. Mahal na kita higit pa sa isang kaibigan. Sige nga! Sabihin mong mali ako. Mali na nahulog sa iyo. Hindi na kasalanan pa ng puso ko na tumibok sa iyo. Irog ko, hindi ko hinihiling na dinggin mo ito. Ngunit hindi naalis sa aking isipan na sana ako nalang. Ngunit alam kong Malabo, sa isang sagl;it lang ay lalayo ka na sa akin. Ang sa akin, malaman mo bago pa dumating ang araw na magsisisi ako. Nagtataka ako kung bakit naisip kong magsisisi ako. Tanggap ko naming walang patutunguhan ang pagibig ko. Wala ng iba kundi hanggang dito, hanggang dito lang sa liham lang na ito. Sa oras na nalaman mo ito, oras na rin upang tuldukan ang kabaliwang ito. Sa aking panaginip, ikaw lang ang nakikita ko. Kahit na iba’t iba ang nagdaraang gabi. Ni isang minuto ay hindi ka nawaglit sa isipan ko. Ako ang nakaramdam nito kaya uwag mo sanang sabihing nalilito lang ako at may oras pa para magbago. Hayaan mong mahalin kita, Irog ko. Di ko nais namahalin mo rin ako. Sapat na ang pahalagahan mo kahit na matalik na kaibigan lang. sa pagdaan ng panahon ay matututunan kong tanggapin ang katotohanang gigising sa akin. Gayunpaman, narito pa rin ako, hindi ko kayang lumayo. Lumayo man ako ngunit hindi malayto sa iyo. Patawad sa kahibangang hinayaan kong mahalin kita. Maligaya na ako kung malaman mo ang totoo sa likod ng mga ngiti ko. Ngunit hindi malatyong mapagod ako. Tulad ng aking puso, pagod na rin ang aking pluma. Kung magkakaron ng ikalawang pagkakataon sumulat ako ng liham para sa iyo, nais kong maisulat na mahal mo rin ako. At hanggang dito nalang Irog ko. Nais kong pagingatan mo ang iyong sarili gaya ng palihim na pagiingat ko sa iyo.


by Aurea D. Tolosa

Happy 5th Anniversary.



Umpisa na naman ng bagong umaga sabik na akong makita si Charles, si Charles ang boyfriend ko sa loob ng apat na taon at sa loob ng apat na taong iyon ay naging masaya ako sa piling ni Charles, buo pa pala ang painting na ibinigay mo sakin noon, last birthday ko. isinabit ko ito sa tapat ng kwarto ko para sa tuwing ako'y gigising ito ang makikita ko dahil sa tuwing aking mapagmasdan ang painting na ito ay ikaw ang aking naaalala. Siya nga pala nakatago parin ang necklace na ibinigay mo sakin noong monthsarry natin ang cute talaga ng design nito. siyempre iisa lang ito dahil gawa mo'to eh. ay sabik na talaga akong makita ka. 5 years na pala tayo ngayon. Kaya nga pupunta ako sa inyo ngayon eh! dadalawin ko sila tita at tito pati sina troy at shiela sigurado mangungulit na naman ung dalawa hihingi na naman ng pasalubong ang dalawang iyon kaya dadaan muna ako sa mall para ibili sila ng paborito nilang chocolate. ikaw kaya gusto mo ba ng paborito mong Black Forest Cake? Kaya lang baka di mo makain kaya wag nalang. ayun na sila troy at shiela tumatakbo papalapit sakin , ang saya ng mga kapatid mo habng kumakain ng chocolate, dumaretso ako sa kwarto mo nandoon parin ang mga regalo ko sayo kompleto pa, simula nang birthday mo hanggang ngayon 5th anniversarry natin ikaw nalang ang kulang, AY! nakalimutan ko di ko na pala makikita ang kanyang mga mata at maririnig ang kanyang nakakawiling tinig dahil wala na si Charles, sana pala di siya inaway di sana di siya mag-iinom at di sana siya naakseidente, di sana kasama ko siya ngayon 5th anniversarry namin.

By: Jervilyn Santiago

Kahit kailan


Lubos kang nangingibig sakin binata
Wag kang mahiya at saki’y magpakita
Kung talagang ako’y iyong sinisinta
Ikaw binata, pakikitunguhan kita

Naamoy ang bango ng hanging humihipan
Huni’y tutugtog kapag siya’y humihipan
May naiisang bituing nasulyapan
Paru-paru sa masetas ay natakpan

Kahit kailan saki’y mayrong nagtuturo
Bulaklak, ibon, bitui’t paru-paro
Ako nalang tuloy ay natutuliro
Para atang sa aki’y may nagbibiro.


by Aurea D. Tolosa

Nasa Diyos ang Awa, Nasa tao ang Gawa

"

"



We people, creating our own problems, usually we do ask God to save the matter. We go to church for asking something. We do that in order to repay back. We are only doing that because it is needed. But God is too kind, He always grant our favor. As the creator, He definitely know what to give and what not to give. Every time we have problems and no one to talk, we put in our mind that God is always there and nothing to worry. He is willing to support us, won’t let us to sacrifice and will never leave us alone.

Sometimes, we are praying before bed time to create and whisper our wishes before the day ends. Our encouraging words are came from our heart for God to see thet we are too sincere to ignore. Suddenly, when we are about to question God why He doesn't made our wish? Aren’t our words enough? Are we too silent to hear? That’s our problem. We ask God then we want to come up of what exact thing we asked. We never noticed that God already made it. But it wasn’t exactly that, it is near our dreams. ‘Cause He knows that we deserve better one. He also has purpose for us. He has the secret aim to accomplish. And our mission is to accept that.

So for me, I really believe in God. I have no doubts about Him. ‘Cause every time I call Him, he never ignore me. Every time I have wish to happen, He never refuses. And every night I whisper, He listens. That’s the way He loves me. And on how much He loves me is the same on how much He loves you. Just love and learn to appreciate God. We are millions living in this world. But He still hear each and everyone of us. Just follow God’s will, my friend. And God will accompany you in your dream that will soon to succeed. Ü

by Aurea D. Tolosa

Saturday, December 11, 2010


Sayo pa rin!


Sabi nila ang mahulog sayo’y mali
Ngunit kagustuhan ko ay nakisali
Masaktan man kung sakali
Iibig at iibig pa rin sayo muli

Huwag na huwag kang lumapit, ayoko sayo
Lumayo ka sa akin, nagmamakaawa sayo
Masaktan ako nang lubos dahil sayo
Sa kabila noon, pag-ibig ko pa ri’y sayo

by: Aurea D. Tolosa

Katapusan


Hindi na sumisikat ang araw
Tahimik na ang tandang sa umaga
Ni hindi ko na nadadama ang luha ng mga ulap
Pawala na ang hiig ng mga ibong nagsisiliparan
Tumatabang na ang tubig-alat
Bumababa na ang alon sa dagat
Pahina na nang pahina ang bulong hangin
Nagsasama na ang mga ulap
Unti-unti’y dumidilim at tila nagagalit
Kumukulog na parang walang bukas
Lumalakas na ang tama ng kidlat
Nangungusap ang mga bituing naglalaho
Dahan-dahan nang bumabagsak ang mga puno
Nalalapit na ang katapusan
Dahil…
Hindi ko na makita…
At hindi ko na marinig…
Ni hindi ko na madama
Ang mundong marahang ibinigay sa atin
na sa alaga’y pinagkaitan natin
at sinira ng konsensya nating bitin.

by: Aurea D. Tolosa