"hayy naku!hindi ko na gusto pagtuturo ng mga teacher dito, gusto ko ng lumipat, siguro naman papayagan ako ng parents ko, kasi accepted naman siguro reason ko na mag-transfer to other school. hayy! ano ba pwede kong gawin ??"ani ni Tiffany sa kanyang sarili na tila nagdadalawang isip at naguguluhan kung lilipat ba siya o hindi.
Siya si Tiffany Zobel nanggaling siya sa isang pribadong paaralan. Naisipan niyang lumipat ng school,dahil hindi niya gusto ang kaugalian ng pagtuturo ng mga guro dito, karamihan kasi sa mga guro ay hindi magaling. si Tiffany ay anak mayaman, sila ay may sarilang kompanyan na pinapatakbo ng kanyang mga magulang. nag-transfer siya sa la Salle, marami siyang naging kaibigan na kagaya niya, dahil siya ay palakaibigan, masarap kasama ta masiyahin. marami ding mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya dahil may katangian itong maganda, malambing at laging masiyahin, marami ring nangunot noo, nandilat ng mgamata, at kumulo ang dugo dahil sa inngit nila kay Tiffany dahil maraming nagkakagustong kalalakihan dito.
Isang araw habbang naglalakad si Tiffany isang lalaki ang lumapit.Si Lance isa sa mga patagong nagkakagusto kay Tiffany. Hindi gaanong mayaman si Lance,hindi rin sila mahirap,katamtaman lang o may kaya sa buhay. Nabibili rin niya mga mga bagay na gusto niyang bilhin.Si Lance ay mabait,malambing,ginoo,mapag-alaga a malakas ang appeal.Isa na rin siya sa mga "crush ng bayan o hearthrob ng campus"."Tiffany!tulungan na kita muka atang mabigat ang mga Kala mo ee"sabi ni Lance habang kinukuha ang bitbit na libro ni Tiffany." thanks Lance pero kaya ko na to,magaan lang naman eh!"pangiting sagot ni Tiffany na parang nag aagawan sila sa bitbit nito.Nabitawan ni Tiffany ang libro kaya tumalsik ito sa sahig. " ayan tuloy ikaw kasi eh, ayaw mo pang tulungan kita ayan tuloy nahulog na ung mga dala mo" sabi ni Lance kay Tiffany na tila sinisisi niya ito sa nangyari. " Ako pa ngayon sinisi mo eh sino ba ang makulit sa ating dalawa?, sabi ko naman kasi sayo na ako nalang." pagalit na sagot ni Tiffany nasa huli'y nahiya na."eh, bakit ayaw mong magpatulong?"tanong ni Lance na tila naguguluhan." eh sa ayoko eh! kasi....."sumabat si Lance"kasi ano?""kasi nahihiya ako saiyo"sagot ni Tiffany at nagmamadaling pinulot ang mga libro at lumayo na ito kay Lance.Naguluhan si Lance,hindi niya mawari, halos sumakit ang ulo at nasabi sa sarili na "bakit bigla na lang umalis yum?, Did I do something wrong? may nasabi ba akong mali? Bakit?
Oras na ng uwian,nang magkasalubong si Tiffany at Lance,hindi napansin ng dalawa ang isa't- isa,kaya patuloy parin sila sa paglalakad.Peo biglang may tumawag kay Tiffany sa kaniyang likuran,Si Ken bhestfriend ni Tiffany. Si Ken ay masiyahin,maganda at tampuhin.lumingon si Tiffany, nagtaka si Lance bakit ma tumawag kay Tiffany kahit wala namang dumadaan sa kanyang harapan. Sa pagtatakang iyon napalingon na lamang siya sa kaniyang likuranat nakita nga niya si Tiffany kasama ni Ken na nakikipag usap. Inisip niyang lapitan ito pero sa pagkakataong isipin niyang lapitan ito, may kaba at kabog sa kaniyang dibdib ang kaniyang naramdaman. pero nagawa parin niyang lumapi kahit na mahirap ito para sa kaniya at kahit na nahihiya siya kay Tiffany. Sa pagkakataong iyon kakauspin na sana ni Lance si Tiffany,pero sa pagbukas palamang ng kanyang bibig ay nag paalam na si Tiffany sa kaniyang kausap at nagmadaling umalis.May lungkot na nadama si Lance na nagpabigat ng kaniyang damdamin. Sa mga sumunod na araw naisipan muna nitong umiwas kay Tiffany.Hindi na muna ito lumalapit.May mga pagkakataon ding gusto niyang lapitan ito pero sa tuwing gagawin niya ito naaalala niya ang nakaraan kaya't hindi natutuloy ang kanyang gustong mangyari.
Nagdaan pa ang mga araw,patuloy paring hindi nagpapansinan ang dalawa.Nakita ni Ken na malungkot si Tiffany,nakita niya ang bakas ng kalungkutan sa muka nito.Kaya naisipan niyang lapitan at kausapin ito."Ui, Tiffany sa tuwing nakikita kita lagi kanalang naka simangot, anu bang dahilan?"tanong ni Ken kay Tiffany na tila gustong malaman kong bakit malunngkot ito."Huh?ako malungkot? si Tiffany Zobel nalulungkot?hahaha hindi kaya ako malungkot ang sya ko nga eh!"mapagpanggap na sagot ni Tiffany."Anong masaya? Hay naku Tiffany Zobel ako nga wag mong pinagloloko, alam kong malungkot ka at hindi ka masaya. Nakikita ko sa mga mata mona malungkot ka, Ano bang problema?Alam kong hindi ka malulunkot kung wala kang problema o dinadamdam. Tiffany kilala kita alam mo yan, hindi ako sana'y na nakikita kang malungkot sabihin mo sa akin problema mo para matulungan kita." ani ni Ken kay Tiffany na concern kung bakit malungkot ito."OO na en may problema na ko, kahit pala ideny ko sa iyo malalaman at malalaman mo rin, matagal ko nang ustong sabihin sa iyo to pero nahihiya akong sabihin sa iyo kasi baka pagtawanan mo lang ako"sagot ni Tiffany, na nahihiya at napayukong sagot. "Eh, bakit ka naman mahihiya sabihin sa akin?, ano pa ibig sabihin ng pagiging tunay na kaibigan ko sa iyo, kung nahihiya ka sa akin." sagot ni Ken na natatawa." oo naman tunay kitang kaibigan nuwh, eto na sasabihin ko na sa iyo kung bakit ako nalulungkot,pero pano ko ba sisimulan?" patanung na tugon ni Tiffany na tila nahihiya." haay naku Tiffany kahit wag mo ng simulan muka namang alam ko na kung ano .... ay hindi pala ano kung SINO pala ang dahilan kung bakit ka malungkot. Si Lance hindi Ba?? "pabirong tanong ni Krn kay Tiffany."OO,Ken si Lance nga, Ken naguguluhan ako, bakit ganito nararamdaman ko?alam kong wala naman akong gusto sa kaniya pero bakit ganun? nalulungkot ako pag hindi ko siya nakakasama, Bakit ganun?ano ba tong nararamdaman ko?Ken is it Love?"sambit ni Tiffany kay Ken na tila nagpapatulong.."OMG Tiffany your ilove ! is it true!!??hindi na ko magtataka pa kung bakit ka nagkagusto kay Lance, bagay naman kayo mabait naman siya, all the good attitudeof a guy makikita mo na sa kaniya. nakakakilig naman pero ang tanung may gusto din ba siya sa iyo??" anong ni Ken na tila nangaasar."hmmm, wan ko lang ako ba si Lance?" sagot ni Tiffany na biglang napasimangot dahil sa tanong ni Ken.
Papasok ng room si Lance ng makita niyang nakasimangot si Tiffany,nkita ni Ken na naka tingin si Lance , kaya iniwan niya bigla si Tiffany at nilapitan si Lance,"Hi Lance, can I ask you something? pansin ko lang ha bat parang hindi kayo nagpapansinsn ni Tiffany may LQ kayo?pabirong tanong ni Ken na tila exited sa isasagot ni Lance."LQ?? hindi naman kami ee,, kaya kami hindi nagpapansinan ni Tiffany kasi ...."ikinuwento na ni Lance ang nangyariNang malaman ni Ken ang panyayari naisipan ni Ken na siya ang gagawa ng paraan para mapagbati ang dalawa.
(bbzzzzzzz)(lunch time na)
Papuntang canteen si Lance nang makita niyang nag iisa si Tiffany.naisipan niyang lapitan ito, kung dati rati, naiisip niya ang nakaraang nangyari, ngayon nilapitan niya ito ng malakas ang kanyang loob a nilapitan niya ito ng buong buo ng walang takot at walang kaba" Hi tiffany, can I join you? patanong na sabi ni Lance na mejo may kabog sa kaniyang dibdib dahil sa kaba."sure ,why not, have a sit."hindi ko na pala kailangang magplano para mapag bati ko yung dalawa, tingin ko pa nga lang mukang mag kakaayos na sila... hahahah...." patawang sabi ni Ken sa kaniyang sarili nang makita niya ang dalawa na magkasama.
Nang matapos ang dalawa sa pagkain ng kanilang lunch sabay silang pumunta sa kanilang classroom napag usapan lang nila kanina habbang kumakain sila ay ang nakaraan nila, nakaraan nilang hindi sila nagpapansinan humingi sila parehas ng kapatawaran sa nangyari.makalipas ang ilang oras pumasok na si mrs. Lim ang kanilang guro. Si Mrs. Lim ay ang adviser ng 4th year grifindor, siya ay mataray, walang kinikilingan, striktong guro. nang pumasok si Mrs. lim nagbigay kaagad ito ng pag susulit sa mga estudyante.
Uwian na namalayan ni Lance na bakit hindi pa umuuwi si Tiffany. Kaya tinanong ni Lance kay Ken kung bakit hindi pa umuuwi si Tiffany."ahh, pinatawag kami kanina ni Mrs. Lim sa faculty naiwan sa faculty si Tiffany, muka atang may ipapagawa." natatarantang sagot ni Ken kay Lance dahil sa pamamadali.Hinintay ni Lance si Tiffany sa korehidor, nang pag bukas ng pinto ng facultyb room nagmadali itong lumapit at narinig niya ang bosoe ni Mrs. Lim "Ms. Zobel kasama mo si Lance sa ipapagawa ko"."oh, Lance andian ka pala kanina ka paba diyan??" tanong ni Tiffany kay Lance na tila nagtataka kung bakit hinintay po ito."oh, muka atang malungkot ka tila ata natadtad ka ng sermon ni Mrs. Lim?" pabirong tanong ni Lance kay Tiffany."ahh, halata ban nasermonan ako? oo nga e pinagalitan ako ni Mrs.Lim, bakit ko daw kasi pinakopya si Ken kaninang quizz ayan binigyan ako ng punishement"sagot ni Tiffany kay Lance na tila nakasimangot dahil sa nalulungkot siya dahil binigayan siya ng kaparusahan."anu bang punishement ang gagawin mo?"concern na tanong ni Lance kay Tiffany."one month daw akong maglilinis ng room nang magisa lang.."sagot ni Tiffany na tila kunot ang noo dahil sa ayaw niya sanang gawin yun. "oh, talada? kawawa ka naman haha joke lang, eh, anu naman yung narinig ko kanina nas ako ang kasama mo sa ipinapagawa ni Mrs.Lim?"tanong ni Lance na tila concern dahil sa narinig niya ang kaniyang pangalan kanina."ah, oo pala sabi ni Mrs, /lim kanina na ikaw daw kasama ko sa paglilins ng room" patawang sagot ni Tiffany kay Lance dahil alam nitong maglinis sa hindi niya kasalanan."huh? bat ako ? hindi naman ako involve sa inyo ni Ken ah bakit ako nadamay?"pagulat na tanong ni Ken na tila ayaw maglinis ng room."ohh, sige kung ayaw mo kong tulungan okay lang sa akn actually ayoko naman talagang magpatulong ee"sagot ni Tiffany na tila nagpakumbaba na lamang. "oh, ayan ka nanaman. mayamaya bigla ka nanamang aalis, Hayy nako tutulungan naman talaga kita ee, kaw talaga hindi na nabiro."patawang tugon ni Lance kay Tiffany a sila'y nagharutan
Maya maya natahimik ang dalawa at biglang nagsalita si Lance"Tiffany alam mo bang mahal kita, matagal ko nang gustong sabihin sa iyo to ehh pero inuunahan ako ng kaba ko,ngayon ko lang nasabi sa iyo kasi alam ko, this is the right time para malaman mo kung ano nilalaman ng puso ko"ani ni Lance na tila nahihiya sa pinag tapat na pag ibig. Walang reaction si Tiffany sa narinig parang uala lang okay lang sa kaniya."sige Lance nandito na pala ako sa bahay, hindi ko namamalayan ikaw kasi ee you make my time unknown."pabirong sagot ni Tiffany kay Lance na medyo kinilig sa sinabi nito.
Di nagtagal ang dalawa'y nagkamabutihan na haggang ang dalawa'y nahulog na ang kanilang loob sa isa't-isa.Nang sila'y naging mag MU. May mga time na sila'y naglalambingan,naghaharutan.Nang sila'y nasa canteen at sabay na kumakain biglang natanung ni Lance"Tiffany matanung lang kita TAYO BA?"tanong ni Lance kay Tiffany dahil naguguluhan siya kasi ang sweet nila hindi naman siya sure kung sila nga."ah, ewan ko lang let me think first.." sagot ni Tiffany na tila naguluhan din siya na parang hindi makapagsalita dahil hindi niya alam isasagot niya."Lance not to offend you pero hindi muna, sorry ahh" sagot ni Tiffany na tila parang naawa kay Lance at gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa..Sa mga sumunod na araw ang dalawa'y ok pa.Pero sa pagkakataong ito, may biglang sinabi si Lance sa txt "Tiffany may sasabihin ako, wag mo sanang damdamin pwedeng itigil ko muna panliligaw ko? mahal kita. pero at this point I just want to know if your the right girl for me." massage ni Lance na tila nanghihinang itype dahilayaw niyang masaktan si Tiffany."okay lang un Lance atleast habang maaga pa sinabi mo na" maluha luhang sagot ni Tiffany dahil hindi niya nakaya ang sinabi ni Lance.
MAkalipas ang ilang araw ang dalawa ay hindi na nagpapansinan.tila ba'y pinaghiwalay na sila ng tadhana nila na parang hindi na nila kilala ang isat isa kahit magkasalubong na sila parang wala silang pakeelam sa nadadaanan nila..."hoy, bat di kana namamansin? parang di mo nako kilalala ahh?" tanong ni Tiffany ng walang hiyahiyang lumapit, "ahh sorry naman kasi feeling ko pag lumapit pa ko sayo i feel i'm worthless kaya hindi ko na sinubukan pang lumapit sa iyo" sagot ni Lance na tila hiyang hiya kauspin si Tiffany Hindi nagtagal nakamove on na si Tiffany,pero para kay Lanceparang mas nahihirapan siya lagay niya ngayon, kasi parang nagsisisi siya sa ginawa niyang decission, na itigil ang panliligaw nito kay Tiffany. Pero huli na ang lahat para sa kanya dahil parang may iba ng gusto si Tiffany. Si Franco, na bagong lipat sa school. Si franco ay mas ma appeal kay Lance.sa twuwing madadaanan at makakasama ni Lance si Tiffany ang puro laging bukang bibig nito ay ang pangalan ni Franco.
Magpasahanggang ngayon nagsisisi si Lance di mo mawari ang gustong gawin, parang nais nang magpakamatay, sa nagawa niya dahil ngayon ang pag kakaalam niya ay nililigawan na ni Franco si Tiffany na alam naman nito na may pag asa si Franco.
THE END
-by: claudine gorospe
Monday, May 9, 2011
Wednesday, February 2, 2011
Sa buong apat na taong itinagal ko dito, hindi man ako dito nagsimula, pero dito naman ako magtatapos. Sabi nga nila, maliit ang paaralan, ngunit subukan nilang tignan, paaralang ito ay naguumapaw sa kaalaman. Hindi man ako sikat dito sa paaralang ito, kaming mga estudyante ang nagpapasikat dito. Gaano man kaliit ang mundo mo dito, ngiti, tuwa, lungkot, kaba, kilig naman ang isinusuli sa iyo. Sa buong taon, panay pagsubok ang sasalubong sayo. hindi pagsubok na magpapabagsak, magpapahina, magpapabigo at magpapasuko sa iyo kundi magpapatatag, magpapabangon, magpapatapang, magpapalakas at magpapabago sa iyong kahinaan. Minsan naisip kong lumipat na lang ng paaralan, naisip kong hindi ako nababagay dito. Pero mali ako, dito ko pala mararanasang matuwa, malungkot, umiyak, humalakhak, gumawa ng masama, tumino, magpakatanga, magbago at higit sa lahat ay ang magmahal at mahalin. Napakasarap na dito ako nanatili. At mahalin bilang isang anak sa tahanang ito. Naalala ko pa noon, bilugan ang katawan ko, batang-itsura, isip-bata ta mapaglaro. Daig ko pa ang turumpong paikot-ikot. Habang tumatagal, oras ay nadadagdagan, mas lalo akong natututong lumaban. Hindi man halata, panaho'y nagbabago, tao ri'y nagbabago. Sabi na, panaho'y lumilipas, nalalapit na rin ang aming pagtatapos. Kaya taas-noo kong sasabihing hindi kami uuwing nakayapak, nakatapos kami nang may dignidad, may sariling talino at katapangan na kakaiba sa lahat. Kaya naman, masaya akong naging parte ako ng tahanang ito, hindi ko naman mararating ang tagumpay na ito kung walang tulong ng mga gurong humubog sa amin. Taos-puso po namin kayong pinasasalamatan, ngayong malapit na po kaming lumisan, nais po naming turuan niyo pa po ang ibang mga kabataan na maging parte ng lipunan at hindi maging pasakit sa bayang ito. Sa aming pagtatapos, panahon lang ang natatapos at hindi ang aming pagkakaibigan. Lilisan kami upang magsimula ng panibagong kinabukasan. Hindi dito natatapos ang lahat ng ito, bagkus ito ay panibagong pagsubok na susubok sa katatagan ng bawat isa. Nais man naming pigilan ang ating patak ng luha,magpaalam sa isa't isa ngunit atin itong kinakailangan. Hindi na tayo hayskul pa, pero nais kong tayu-tayo pa rin ang magakakasama. :(
by: Aurea D. Tolosa
Subscribe to:
Comments (Atom)
